1 1/3 puswelong arina
2 kutsaritang baking powder
1/2 kutsaritang asin
1 kutsaritang asukal
1 itlog
1 puswelong gatas ebaporada
4 na kutsarang mantikilya (lusaw)
Paraan ng Pagluluto:
- Salain ang harina, saka tumakal dito ng 1 1/3 puswelo. Isama ang baking powder, asin at asukal. Salain uli.
- Batihin nang magkahiwalay ang puti ng itlog sa gatas at tinunaw na matikilya. Unti-unting ibuhos ito, habang hinahalo sa harina.
- Haluin hanggang magpantay ang pagkakalapot ng harina. Sa huli ay isama ang binating puti ng itlog.
- Ibuhos ito sa waffle cooker o sa isang lutuan na maisasalang sa oven.
- Lutuin sa oven na may katamtaman ang init sa loob ng 45 minuto. Pagkaluto, pahiran ng mantikilya at buhusan ng syrup o arnibal sa ibabaw. Ihain nang mainit pa.