Tuesday, 22 February 2011

PAANO GUMAWA NG WAFFLES

Mga Sangkap:
1 1/3 puswelong arina
2 kutsaritang baking powder
1/2 kutsaritang asin
1 kutsaritang asukal
1 itlog
1 puswelong gatas ebaporada
4 na kutsarang mantikilya (lusaw)


Paraan ng Pagluluto:

  1. Salain ang harina, saka tumakal dito ng 1 1/3 puswelo. Isama ang baking powder, asin at asukal. Salain uli.
  2. Batihin nang magkahiwalay ang puti ng itlog sa gatas at tinunaw na matikilya. Unti-unting ibuhos ito, habang hinahalo sa harina.
  3. Haluin hanggang magpantay ang pagkakalapot ng harina. Sa huli ay isama ang binating puti ng itlog.
  4. Ibuhos ito sa waffle cooker o sa isang lutuan na maisasalang sa oven.
  5. Lutuin sa oven na may katamtaman ang init sa loob ng 45 minuto. Pagkaluto, pahiran ng mantikilya at buhusan ng syrup o arnibal sa ibabaw. Ihain nang mainit pa.

No comments:

Post a Comment